^

Metro

Bagitong parak namaril sa inuman, helper utas

- Danilo Garcia - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Patay ang isang helper makaraang barilin ng isang bagitong pulis matapos magtalo sa gitna ng kanilang inuman sa loob ng bahay nito sa Pasay City kahapon ng madaling araw.

Nagtamo ng tama ng bala ng kalibre .45 sa tiyan at sa tagiliran ang nasawing si Virgilio Hilario, 35, ng Interior Cuyegkeng St., Brgy. 2 Zone 4, ng naturang lungsod.

Isinugod naman sa Ospital ng Maynila ang 45-anyos na si Pedro Deleva na nagtamo ng malaking sugat sa ulo dahil sa pamamalo ng baril ng suspek na si PO1 Rupert Baluyot, nakatalaga sa Camp Crame.

Sa imbestigasyon, naganap ang krimen dakong ala-1:30 ng madaling araw sa loob mismo ng bahay ng nasawing biktima.

Nabatid na dumating ang pulis kasama ang tatlo pang lalaki kabilang si Deleva at nagyaya na mag-inuman. Pinagbigyan naman ito ni Hilario kung saan tumagal ang inuman ng may tatlong oras hanggang sa magtalo nang pawang mga lasing na.

Dito binunot ng suspek ang kanyang ser­vice firearm sa bewang at dalawang beses na pinaputukan nang malapitan si Hilario. Tinangka naman itong awatin ni Deleva na pinalo naman ng baril sa ulo ng suspek bago ito mabilis na tumakas.

Patuloy naman ngayon ang paghahanap ng pulisya sa naturang pulis na pinakabagong nadagdag sa hanay ng mga abusadong miyembro ng PNP.  

vuukle comment

BRGY

CAMP CRAME

DELEVA

DITO

HILARIO

INTERIOR CUYEGKENG ST.

PASAY CITY

PEDRO DELEVA

RUPERT BALUYOT

VIRGILIO HILARIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with