^

Metro

2 paslit inabandona ng ina sa palengke

- Danilo Garcia - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Nasa pangangalaga na ngayon ng lokal na Social Welfare and Development ng Parañaque City ang isang 2-anyos na batang lalaki at kapatid na 11-buwang sanggol na babae na inabandona ng kanilang ina sa isang palengke sa lungsod.

Sa ulat ng Regional Public Service Battalion ng National Capital Regional Police Office, inabandona ng hindi pa naki­kilalang ina ang dalawang paslit nitong Hulyo 31 sa kasagsagan ng bagyong Gener sa loob ng SLEX Bicutan Public Market sa naturang lungsod.

Nabatid na lumapit ang ina ng mga bata sa security guard na si Gildeon Lucendo, bantay sa pamilihan, at nagmakaawa ito na ang sekyu na ang bahala sa kanyang mga anak dahil sa hindi na niya kayang buhayin.

Mabilis umanong umalis ang ginang na hindi na nahabol ni Lucendo.

Dahil sa mahirap din, ipinasya ni Lucendo na dalhin ang dalawang paslit sa himpilan ng RPSB NCRPO Alpha Company na nakipag-ugnayan naman sa Police Community Precinct 3 ng Parañaque City Police para sa angkop na kustodiya sa mga bata.

Sa pamamagitan naman ng PCP 3, naihatid ang dalawang paslit sa lokal na DSWD ng San Martin de Porres sa naturang lungsod na siya na ngayong nangangalaga sa mga ito ka­sama ang iba pang mga batang palaboy at mga abandonado.

ALPHA COMPANY

BICUTAN PUBLIC MARKET

CITY POLICE

GILDEON LUCENDO

LUCENDO

NATIONAL CAPITAL REGIONAL POLICE OFFICE

POLICE COMMUNITY PRECINCT

REGIONAL PUBLIC SERVICE BATTALION

SAN MARTIN

SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with