^

Metro

'Hindi kami nagkulang sa pagpapaalala sa aming mga mag-aaral' - San Beda College­

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Tahasang sinabi ng pamunuan ng San Beda College na hindi sila nagkulang sa pagpapaalala sa kanilang mga estudyante na huwag sumali o makilahok sa anumang uri ng fraternities o sororities dahil sa posibleng disgrasyang idudulot sa kanilang buhay at pag-aaral.

Ang pahayag ng SBC ay sa gitna ng pakikidalamhati at pakikiisa sa pananalangin ng pamilya ng yumaong si Marc Andre Marcos na sinasabing namatay habang sumasailalim sa hazing sa Dasmariñas, Ca­vite, ilang araw ang nakalilipas.

Sa pinadalang statement sa media mula sa Office of the Rector President noong August 2, 2012, nilinaw na hindi nila pinapayagan ang pagsapi ng kanilang mga estudyante sa mga organisasyon na gumagamit ng mga seremonya at iba pang nakaugalian na magreresulta sa pananakit, karahasan o panggigipit.

Nakasaad rin sa statement na bago payagan na maka-enrol ang isang estudyante ay pinalalagda ng SBC sa isang undertaking na nagsasaad na hindi sila (estudyante) lalahok o sasali sa mga fraternity at sororities.

Ito ayon sa SBC ay ginagawa nila sa student orientation, mga paskil sa lahat ng lugar ng kanilang mga campus at nakasaad rin sa handbooks.

Ngayong Biyernes, August 3, ay magsasagawa ng campus-wide para-liturgical vigil ang San Beda College para sa mga biktimang sina Marc Andre Marcos at Marvin Reglos na kapwa namatay sa hazing.

Kasabay nito, handa ang pamunuan ng SBC na ibigay ang lahat ng tulong lalo na sa pinansyal para sa pamilya ni Marcos.

Nilinaw naman ni Prof Ana Aberilla , Public Relation Officers (PIO) na hindi sila sang-ayon sa sekretong paghahanap ng miyembro ng anumang organisasyon sa kanilang kolehiyo o anumang practice na magreresulta sa intimidation, violence,reckless imprudence o coercion sa isang tao.

Bagamat imposible umanong ma-monitor ang lahat ng aktibidad ng mga estud­yante lalo na kung nasa labas na sila ng campus nananatili pa rin mapagbantay ang SBC.

Idinagdag pa ni Aberilla na nagtatag na sila ng panel na siyang mag-iimbestiga sa naganap na hazing habang patuloy rin silang makikipag tulungan sa mga awtoridad. (Doris Franche Borja at Gemma­ Amargo­)

DORIS FRANCHE BORJA

MARC ANDRE MARCOS

MARVIN REGLOS

NGAYONG BIYERNES

OFFICE OF THE RECTOR PRESIDENT

PROF ANA ABERILLA

PUBLIC RELATION OFFICERS

SAN BEDA COLLEGE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with