^

Metro

Papatakas na snatcher, nabundol ng bus, utas

- Ricky ­Tulipat - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Isa umanong snatcher ang nasawi habang dalawa sa mga kasamahan nito ang naaresto makaraang mahagip ng rumaragasang pampasaherong bus ang una habang magkakasabay na tumatakbo papatakas matapos manghablot ng hikaw sa kahabaan ng EDSA sa Cubao, lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Kinilala ang nasawi ng kanyang mga kasamahan na si Joshua Ang, may tattoo na Sputnik sa katawan.

Ang mga nadakip naman ay sina Luis Gello Cruz at Joshua Mendoza, na kapwa nakapiit ngayon sa Police Station 7.

Ayon sa pulisya, tanging binabanggit ng mga testigo ang mga nakabundol na bus na Joyselle bus o Cher bus na patuloy pa nilang iniimbestigahan.

Nangyari ang pagkakabundol sa biktima sa may Edsa northbound, harap ng Farmer’s Plaza, Cubao ganap na alas-2:35 ng hapon.

Bago nito, isang babae umano ang inagawan ng hikaw ng mga suspect sa harap ng Farmer’s Plaza saka mabilis na nagtatakbo papatakas.

Sabay-sabay umanong nagsipagpanhikan sa bakod ng MMDA ang mga suspect saka tumawid sa kahabaan ng Edsa, subalit tiyempo namang paparating ang naturang bus at nasapol ito.

Sa lakas ng pagkaka­bangga, patay agad ang biktima habang ang nakabundol na bus ay hind naman tumigil at humarurot papatakas.

 Samantala, tiyempo namang nagpapatrulya ang mga operatiba ng QCPD-Special Weapon and Tactics sa lugar at nang makita ang komosyon ay hinabol ang dalawa pang suspect at naaresto.

vuukle comment

AYON

BUS

CUBAO

ISA

JOSHUA ANG

JOSHUA MENDOZA

LUIS GELLO CRUZ

POLICE STATION

SPECIAL WEAPON AND TACTICS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with