^

Metro

Botika nilooban

- Danilo Garcia - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Pinasok ng mga kawatan ang sangay ng isang sumisikat na botika kung saan nilimas ang mga electronics appliances nito, kahapon ng umaga sa Pasay City.

Dakong alas-6:45 ng umaga nang madiskubre ang naganap na pagnanakaw sa loob ng Generics Pharmacy na nasa Paradero Building sa Libertad Street, sa naturang lungsod.

Nadiskubre ang nakawan ni Lourdes Paradero, 64, may-ari ng naturang gusali. Nabatid na natangay ng mga magnanakaw ang computer monitor, computer CPU at isang “sub-whooper” ng naturang botika.

Ayon sa mga imbestigador, ginamitan ng isang bolt cutter ang padlock ng pintuan kaya nakapasok ang suspek sa loob ng botika. Hindi naman natangay ng mga magnanakaw ang pera na nakalagay sa kaha-de-yero kaya hinihinalang hindi organisadong sindikato ang may kagagawan ng panloloob.

vuukle comment

AYON

DAKONG

GENERICS PHARMACY

LIBERTAD STREET

LOURDES PARADERO

NABATID

NADISKUBRE

PARADERO BUILDING

PASAY CITY

PINASOK

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with