Seaman pumalag sa holdap, todas

MANILA, Philippines - Isang seaman na nagtangkang manlaban sa mga hol­daper ang nasawi matapos na pagtulungan itong saksakin  ng mga suspect sa may istasyon ng Light Rail Transit  (LRT) sa lungsod Quezon, iniulat kahapon. Kinilala ang biktima na si Romulo Legerin, 40; at residente ng Condo Genova, Brgy. Sauyo, Quezon City.

Nagawa pang maitakbo si Legerin sa Manila Central University Hospital sa Caloocan City pero nasawi din dahil sa tinamo nitong saksak sa katawan at tama ng bala sa hita.  Narekober ng mga awtoridad sa lugar ang backpack ng biktima at baril na tinangka niyang ipangdepensa sa sarili. Nangyari ang insidente sa may north bound ng LRT Balintawak Station ganap na alas-2:30 ng hapon.

Show comments