^

Metro

Pekeng email para siraan ang foreign mining company, nadiskubre ng NBI

- Ludy Bermudo - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Hindi galing sa isang Canadian firm ang kumalat na email na nagbubunyag ng mga planong pagpatay sa ilang ilegal miners sa Balabag, Zamboanga del Sur at ang umano’y panunuhol sa ilang opisyal ng ahensya ng gobyerno, ayon sa National Bureau of Investigation (NBI).

Ayon kay Francis V. Senora ng NBI Technical Intelligence Division, ang email ay hindi mula sa authentic source ng TVI Resources Development Philip­pines Inc. (TVIRD) kundi ma­lisyoso lamang  itong ginawa.

Ang nasabing email ay kumalat noon pang nakaraang taon at mga unang buwan ng 2012 kung saan naglalaman ito ng pangsusuhol sa mga matataas na opisyal ng AFP at planong pagpatay sa mga lokal na opisyal ng nasabing lalawigan.

Bukod sa NBI, humingi rin ng tulong ang TVIRD sa Pacific Strategies and Assessments (PSA) isang international privates risk assessment and security agency na siyang  nagsiyasat din sa  nasabing emails.

Kapwa nadiskubre ng  NBI at PSA na ang email ay sadyang ginawa lamang kabilang na rito ang “defects in the emails including: Inconsistencies between­ the graphic interphase in the email printouts and the actual emails from TVIRD from its email system; dif­ferences in domain addresses used in fake emails with real TVIRD emails; grammatical inconsistensies and inconsistencies with date and time stamp format and other email protocols.”

Mariin namang pinabulaanan ni dating Environment Secretary at TVIRD legal Adviser Fulgencio Factoran na sangkot sila sa anumang ilegal na gawain.

Ang TVIRD, ay  may kaugnayan sa Canadian firm na TVIRD Pacific Inc. na siyang kauna-unahang  kumpanya na pinapayagan ng gobyerno na magsagawa ng mining operations sa bansa.  

ADVISER FULGENCIO FACTORAN

EMAIL

ENVIRONMENT SECRETARY

FRANCIS V

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PACIFIC INC

PACIFIC STRATEGIES AND ASSESSMENTS

RESOURCES DEVELOPMENT PHILIP

TECHNICAL INTELLIGENCE DIVISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with