Cook binoga sa ulo, patay

MANILA, Philippines - Patay ang isang 23-anyos na cook nang barilin sa ulo habang nag-aabang ng masasakyang dyip pauwi sa harapan ng isang mall, sa Ermita, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Bigo ang mga doktor ng   Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center na ma­isalba ang buhay na si Gerald­  Tamondong, kusi­nero sa Bon Chon Chicken at residente ng Pa­rola Compound, Tondo sanhi ng  pamamaril.

Wala pang natukoy na suspect ang pulisya sa nasabing insidente. Dakong alas-12:05 ng madaling-araw nang ma­ganap ang insidente sa harapan ng isang mall sa Arro­ceros St., sa Maynila.

Papauwi na umano ang biktima mula sa trabaho at naghihintay ng masasakyan nang biglang sumulpot ang suspect sa kanyang likuran at binaril ito sa ulo habang nakatalikod.

Nang bumulagta ay su­mibat na ang suspect habang ang biktima ay isinugod ng mga kasamahan sa trabaho sa nasabing pagamutan subalit­ hindi rin naisalba ang buhay nito.

Hinala ng pulisya, may matinding galit ang suspect na itinaon sa matinding pagbayo ng hangin at ulan ang pagsasagawa ng krimen.  

Show comments