^

Metro

42 bahay inararo ng 2 barge, wasak

- Ludy Bermudo - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Nawasak ang may 42 kabahayan na tinutuluyan ng mahigit 100 pamilya nang hampasin ng da­lawang nakalas na barge bunga ng malakas na hangin, malaking alon at malakas na ulan dala ng bagyong si Gener, kama­kalawa ng gabi sa bahagi ng Happyland sa Capulong St., Tondo, Maynila.

Sinabi ni Manila Department of Social Welfare chief, Jay dela Fuente na dahil yari lamang sa kahoy at yero ang ma­liliit na kabahayan, nasira ito sa paghampas ng dalawang barge na kapwa may habang 50-feet at lapad na   15-feet, alas-11:00 ng gabi nitong nakalipas na Linggo sa kasagsagan ng bagyo.

Mabilis namang inilikas ng grupo ni Dela Fuente an­g mga apektadong pa­milya sa covered court na sakop ng Barangay 105.

Wala namang nasugatan o nasaktan sa pag­hampas ng barge dahil naabisuhan na rin nang maaga ang mga residente na delikado sa kanilang lugar, gayunman wala na silang­ binalikang mga bahay­.

Inatasan ni Manila Mayor­ Alfredo S. Lim si Dela Fuente na pagka­looban ng makakain, damit, at financial assistance ang apektadong mga pamilya.

Bukod aniya sa nasirang mga kabahayan, ang maliliit na bangkang de sagwan ng mga residente na gamit sa pangingisda ay nawasak din ng dalawang barge.

Ang dalawang barge ay may body number o markings na ASC-201 at ASC 205 na pag-aari ng Asian Shipping Corp.

ALFREDO S

ASIAN SHIPPING CORP

BUKOD

CAPULONG ST.

DELA FUENTE

FUENTE

GENER

MANILA DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE

MANILA MAYOR

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with