Bangkay lumutang sa Ilog Pasig

MANILA, Philippines - Isang bangkay ng hindi pa kilalang lalaki ang natagpuang lumulutang sa Pasig River,  sa likod ng Sta. Ana  Hospital, kahapon ng umaga.

Inilarawan ni  PO3 Henry Navarro,  ng Manila Police District-Homicide Section ang biktima  na nasa edad 20-25, may  taas na 5’6 hanggang 5’7, kayumanggi, gupit-binata, nakasuot ng  kulay pulang t-shirt at checkered na short pants.

Nabatid na dakong alas 9  ng umaga ng makatanggap ng tawag mula sa  Philippine Coast Guard (PCG) ang pulisya hinggil sa nabingwit na lalaking patay sa Pasig River.

Sa pagtaya ni Navarro, sariwa pa o tila hindi pa nagtatagal na nalunod ang biktima dahil hindi pa namamaga ang bangkay nito..

Walang anumang nakitang tattoo o sugat na indikasyong pinahirapan  sa katawan ng biktima, maliban sa maga ang nguso na posibleng tumama sa matigas na bagay nang mahulog sa ilog.

Show comments