Bangkay lumutang sa Ilog Pasig
MANILA, Philippines - Isang bangkay ng hindi pa kilalang lalaki ang natagpuang lumulutang sa Pasig River, sa likod ng Sta. Ana Hospital, kahapon ng umaga.
Inilarawan ni PO3 Henry Navarro, ng Manila Police District-Homicide Section ang biktima na nasa edad 20-25, may taas na 5’6 hanggang 5’7, kayumanggi, gupit-binata, nakasuot ng kulay pulang t-shirt at checkered na short pants.
Nabatid na dakong alas 9 ng umaga ng makatanggap ng tawag mula sa Philippine Coast Guard (PCG) ang pulisya hinggil sa nabingwit na lalaking patay sa Pasig River.
Sa pagtaya ni Navarro, sariwa pa o tila hindi pa nagtatagal na nalunod ang biktima dahil hindi pa namamaga ang bangkay nito..
Walang anumang nakitang tattoo o sugat na indikasyong pinahirapan sa katawan ng biktima, maliban sa maga ang nguso na posibleng tumama sa matigas na bagay nang mahulog sa ilog.
- Latest
- Trending