Riding in tandem... 2 patay, 1 sugatan
MANILA, Philippines - Dalawa katao ang patay, habang isa pa ang sugatan makaraan ang pamamaril ng riding in tandem suspect sa mga una habang ang mga ito ay nakatayo sa isang tindahan sa lungsod Quezon kahapon.
Kinilala ni Chief Insp. Rodel Marcelo, hepe ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police, ang mga nasawi na sina Dan Paul Pecson, 16, binata ng no. 5 Morning Star, St., Brgy. Payatas at Jose Remegio Reyes, 32, may-asawa ng Sto. Niño A, sa lungsod.
Ginagamot naman sa East Avenue Medical Center si Ryan Milante, 27, binata, barker ng Sto. Niño Brgy. Payatas A , QC.
Inaalam naman ng CIDU ang pagkakakilanlan ng mga suspect na mabilis na tumakas makaraan ang krimen.
Ayon sa ulat, nangyari ang insidente sa may Sto. Niño St., Brgy. Payatas ganap na alas-11 ng umaga.
Diumano, nakaistambay ang biktimang sina Pecson at Reyes sa nasabing lugar nang biglang sumulpot ang isa sa mga suspect at pinagbabaril ang mga ito.
Si Pecson, bagama’t sugatan ay nagawa pang makatakbo at pumasok sa bahay ng isang Romualdo Natividad, pero sinundan siya ng suspect saka muling pinagbabaril sa katawan at masawi.
Makaraan ang krimen ay agad na sumibat ang suspect patungo sa kasamahan na nagsilbing look out na nasa motorsiklo at tumakas patungo sa Morning St.
Dead on the spot sa lugar si Pecson, habang si Reyes ay nagawa pang maisugod ng kaanak sa EAMC pero idineklara din itong patay ganap na alas 2:20 ng hapon.
Samantala, nangmangyari ang pamamaril ay nadamay ng ligaw na bala sa kanang braso ni Milante na bumibili lamang sa nasabing tindahan.
Sa pagsisiyasat, nagtamo ng mga tama ng bala ng kalibre 9mm na baril sa katawan ang dalawa, base sa narekober na mga basyo nito sa nasabing lugar.
- Latest
- Trending