^

Metro

Dahil sa inggitan sa suweldo, obrero sinaksak ng kasamahansa trabaho

- Angie dela Cruz, - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Nasa kritikal na kondis­yon ang isang construction worker nang saksakin ito ng kanyang kasamahan dahil sa inggitan sa suweldo kahapon sa Makati.

Ginagamot sa East Avenue­ Medical Center sa Quezon City ang biktimang si Mark Vic Cortez, stay-in sa McMont Gear Electromech Corp., na matatagpuan sa Madison Building, panulukan ng Sotto at Salcedo Sts., Legazpi Village, Makati City sanhi ng tinamong saksak sa tiyan.       

Samantala, nakakulong naman ang suspek na si Regin Soriano, 34, ng nabanggit ding kompanya.

Naganap ang insidente dakong alas-2:10 ng ma­daling-araw sa isang inuman sa panulukan ng Dela Rosa at Amorsolo Sts., Legazpi Village, Makati City.

Nabatid na habang nag-iinuman ang biktima at suspek sa nabanggit na lugar at dahil sa pareho nang lasing ay nagkakulitan hanggang sa sinuntok ng biktima ang suspek. Dito gumanti ang suspek hanggang sa kumuha ito ng patalim at sinaksak ang biktimang si Cortez.

Nabatid na may ma­tagal nang alitan sina Soriano at Cortez dahil naiinggit umano ang biktima na mas malaki ang suweldo ng suspek.  

vuukle comment

AMORSOLO STS

DELA ROSA

EAST AVENUE

GEAR ELECTROMECH CORP

LEGAZPI VILLAGE

MADISON BUILDING

MAKATI CITY

MARK VIC CORTEZ

MEDICAL CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with