^

Metro

Guro nagbaril sa sarili?

- Angie dela Cruz, - The Philippine Star

 Manila, Philippines - Masusing imbestigasyon ang isinasagawa ng pulisya kung pinatay ba o nagpakamatay ang isang guro matapos na matagpuan ang bangkay nito na may tama ng bala sa ulo kahapon ng umaga sa Caloocan City.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Elton John Roa, tinatayang nasa 42 hanggang 45-anyos, isang Information Technology (IT)  teacher, nakatira sa Baltazar Bukid, 10th Ave., ng nasabing lungsod.

Ayon kay P02 Enrique Pangan,  ng Station Investigation Division (SID), Caloocan City Police, naganap ang insidente dakong alas-5:00 ng umaga habang nasa labas ng bahay ang kapitbahay ng biktima na si Ayer Amer Nera upang bumili ng almusal nang mapansin nito ang sariwang dugo na tumutulo mula sa tinutuluyang bahay ng guro.

Agad ipinaalam ni Nera sa iba pa nilang kapitbahay ang insidente,  na naging dahilan upang puntahan ang bintana ng bahay ng biktima para silipin si Roa sa loob.

Laking gulat  ng mga ito nang makita sa loob ang biktima na duguang nakahandusay kaya kaagad nila itong ipaalam sa mga pulisya.

Tama ng bala sa ulo ang sinasabing dahilan ng kamatayan nito habang natagpuan din sa tabi nito ang isang improvised shotgun. Patuloy namang nagsasagawa nang masusing imbestigasyon ang mga pulis upang matukoy kung sadyang pinatay o nagpakamatay ang biktima. 

vuukle comment

AYER AMER NERA

AYON

BALTAZAR BUKID

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

ELTON JOHN ROA

ENRIQUE PANGAN

INFORMATION TECHNOLOGY

MASUSING

STATION INVESTIGATION DIVISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with