^

Metro

2 'Akyat bahay gang', bulagta sa shootout

- Mer Layson - The Philippine Star

 Manila, Philippines - Bulagta ang dalawang miyembro ng ‘akyat bahay gang’ makaraang lumaban at makipagbarilan sa mga pulis sa San Juan City, kahapon ng madaling-araw.

Hindi pa batid ang pa­ngalan ng dalawang napatay na suspek na tinatayang nasa edad na 25-30, 5’2’’-5’3’’ ang taas, kayumanggi ang kulay at armado ng kalibre 38 revolver.

Ayon kay PO2 Ricardo Interno Jr., ng San Juan police, nagsasagawa sila ng routine patrol sa Brgy. Tibagan sa kanto ng Don Ejercito St., ganap­ na alas-3:20 ng madaling-araw nang humingi sa kanila ng tulong ang isang residente sa lugar na umano’y pinasok ng mga suspek ang kanyang bahay.

Agad namang nagres­ponde ang grupo ni PO2 Interno kung saan nakita ang dalawang suspek sa loob ng isang automotive repair shop ng isang Ley Suarez kaya sinita nila ang mga ito, pero agad umanong bumunot ng baril at pinaputukan ang mga awtoridad dahil dito, na­pilitang gumanti ng putok ang mga pulis na nagresulta na pagkamatay ng dalawang suspek habang ang isa nilang kasama na sinasabing look-out sa labas ng tahanan ay mabilis na nakatakas sakay ng isang motorsiklo.

Narekober ng pulisya sa tabi ng mga suspek ang isang kalibre 38 na baril at patalim. 

vuukle comment

AYON

BRGY

BULAGTA

DON EJERCITO ST.

INTERNO

LEY SUAREZ

RICARDO INTERNO JR.

SAN JUAN

SAN JUAN CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with