^

Metro

HS stude patay sa holdap, holdaper dedo sa parak

- Ludy Bermudo - The Philippine Star

 Manila, Philippines - Isang 3rd year high school student ang sinaksak at na­patay ng isang holdaper matapos na pumalag ang una sa isinagawang pangho­holdap ng huli.

Gayunman, namatay din ang nahuling holdaper makaraang naman nitong tangkaing agawan ng baril ang isang pulis sa Sampaloc, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Dead-on-arrival sa Ospital ng Sampaloc  ang biktimang si Jersey Jay Dagli, 17, estudyante ng Ramon Magsaysay High School at naninirahan sa G. Tuazon St., Sampaloc, Maynila sanhi ng tinamong saksak sa dibdib.

Namatay din naman ang suspect na holdaper na si  Jonathan Lising, 34, binata, ng Sampaloc, Maynila na umano’y nang-agaw ng baril sa isa sa mga escort niyang kagawad ng Manila Police District (MPD)-Station 4.

Sa ulat ni PO3 Alonzo Layugan ng MPD-Homicde Section, dakong alas-8:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa kanto ng Samar at Tuazon Sts., Sampaloc.

Nauna rito, naglalakad ang biktima sa nasabing lugar nang lapitan ng suspek at nagdeklara ng holdap kung saan puwersahang kinukuha ang gamit ng una,  gayunman pumalag ang estudyante at sa galit ng suspek ay pinagsasaksak ito.

Bagama’t may saksak ang biktima ay nagawa pa nitong tumakbo papalayo sa lugar at humingi pa ng tulong sa isang tricycle driver at nagpahatid sa ospital.

Nagsagawa naman ng follow-up operation ang pu­lisya na nagresulta sa pagka­kaaresto sa suspect.

Naidetine pa sa nasabing presinto ang suspect at dahil special operation procedure (SOP) ang pagsasailalim sa medical examination bago i-inquest sa piskalya, dinala ang suspect sa Ospital ng Sampaloc, na dito umano sinapak at  inagawan ng baril ang katabing escort na si PO1 Vistan kaya agad siyang binaril ng isa pang eskort na si PO2 Malacad  sa loob ng mobile car, na paparada na sana sa ospital.

Nagtamo ng bala sa ulo at katawan ang suspect na agad ring binawian ng buhay habang nasa tapat na ng nasabing ospital. 

vuukle comment

ALONZO LAYUGAN

HOMICDE SECTION

JERSEY JAY DAGLI

JONATHAN LISING

MANILA POLICE DISTRICT

MAYNILA

OSPITAL

RAMON MAGSAYSAY HIGH SCHOOL

TUAZON ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with