^

Metro

Tsinoy nag-suicide sa loob ng sasakyan

- Angie dela Cruz, - The Philippine Star

Manila, Philippines -  Nagpakamatay sa pa­mamagitan ng pagbaril sa sarili­ ang isang Tsinoy sa loob ng isang van na nakaparada sa tapat ng kanilang bahay sa Caloocan City kahapon ng umaga.

Dead-on-the-spot sanhi ng tama ng bala sa noo si Bryan Ang Cinco, 35, ng Paz St., Morning Breeze Subdivision ng nabanggit na lungsod.

Sa pagsisiyasat ng Caloocan City Police, dakong alas-9:10 ng umaga, hina­hanap ang biktima ng mga kaanak nito sa loob ng kanilang bahay at nang hindi makita ay pinuntuhan ang kanilang Toyota Hi-Ace (POG-259) na nakaparada sa tapat ng bahay at laking­ gulat nang makitang duguan­ si Cinco sa loob ng sasakyan habang nasa tabi ang isang .9mm na baril.

Ipinaalam sa mga pulis ang pangyayari kung saan inaalam pa ang dahilan ng pagpapakamatay ng biktima, gayunman nagsa­sagawa rin ng masusing imbestigasyon upang matiyak na walang naganap na foul play sa nasabing insidente.

vuukle comment

BRYAN ANG CINCO

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

CINCO

IPINAALAM

MORNING BREEZE SUBDIVISION

NAGPAKAMATAY

PAZ ST.

TOYOTA HI-ACE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with