2 dayuhan timbog sa P2-M na shabu

Manila, Philippines - Naaresto ng pinagsanib na puwersa ng Manila City Hall Public Assistance (CHAPA) at PNP-AIDSOTF ang dalawang dayuhan na pinaniniwalaang mga drug trafficker sa isinagawang buy bust operation kahapon ng madaling-araw sa Binondo.

Kinilala ang mga suspect na sina Siu Ming Tat, 37, Chinese national at Lee Yoong Hoew, 37, Malaysian national.

Dakong alas-12 ng madaling araw nang pasukin ng mga awtoridad ang Room 315 ng Manila Chinatown Hotel sa panulukan ng Be­na­videz at Salazar Sts. sa Binondo, Maynila.

Dito nakuha ang tinatayang kalahating kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P2 milyon.

Inaalam din ng mga awto­ridad kung may kinaaanibang sindikato ang dalawa na ngayon ay dinala sa Camp Crame.

Show comments