^

Metro

Pulis, raliyista nagsagupa sa SONA

- Ricky ­Tulipat - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Umabot sa 5,000 raliyista ang nagsagawa ng kilos pro­testa sa kahabaan ng Commonwealth Avenue kung saan sumiklab ang gulo bago ang pagsisimula ng State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Benigno Aquino III sa Batasang Pambansa.

Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Director Chief Supt. Mario O. Dela Vega, alas-2 pa lamang ng hapon ay umabot na sa 5,000 ang mga raliyistang nagsama-sama sa Commonwealth.

Gayunman, pinaiiral umano nila ang maximum tolerance para mapanatiling maayos at walang masasaktan sa pagitan nila at ng mga raliyista.

Mahigpit na binantayan ng QCPD ang Commonwealth upang hindi makapasok ang mga raliyista sa mismong pagdadausan ng SONA sa Batasan Complex.

May mga bata na isinama na rin ng mga militanteng Gabriela sa kanilang barikada upang ipakita umano kay PNoy ang hindi nito pag-aksyon sa kahirapan. Maaga ring nagsunog ng Effigy ni PNoy ang “doble karang mukha nito” na ibig sabihin ay pinapaboran ang mga negosyante kaysa sa mahihirap.

Gayunman, bago magsimula ang talumpati ng Pangulo ganap na alas-3:30 ng hapon ay umusbong ang gulo sa pagitan ng mga militanteng grupo at mga pulis sa Commonwealth Avenue. Nagkaroon ng paluan at hampasan.

Maging ang barikadang itinayo malapit sa Ever Gotesco ay sinira ng mga militante upang makalusot patungo sa Batasan complex.

Dahil sa gulong nilikha ng mga militante, ginamit na ng mga awtoridad ang isang dump truck na pangharang, pero maging ang driver nito ay pinagbabato ng mga raliyista at binasag ang windshield ng truck.

Patuloy ang pag-ulan ng bato mula sa mga militante hanggang sa masira nila ang unang depensa ng mga awtoridad at makarating ang mga ito malapit sa Batasan Complex, kung saan sila bahagyang napigilan ng ikalawang depensa ng QCPD.

Samantala, bago nito, alas 8 pa lamang ng umaga ay nagkagirian na ang ilang grupo ng mga raliyista at mga awtoridad sa Commonwealth kung saan isang cameraman ng GMA na nakilalang si Mike Gonzales ang sugatan makaraang tamaan­ ng bato sa ulo na ipinukol ng mga nagpo-protesta.  

BATASAN COMPLEX

BATASANG PAMBANSA

BENIGNO AQUINO

COMMONWEALTH AVENUE

DELA VEGA

DIRECTOR CHIEF SUPT

EVER GOTESCO

GAYUNMAN

MARIO O

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with