^

Metro

Sanggol sinakal ng tatay, patay

- Ricky ­Tulipat - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Isang dalawang buwang gulang na sanggol na lalaki ang nasawi matapos na umano’y sakalin ng kanyang sariling ama sa loob ng kanilang bahay sa lungsod Quezon kahapon ng umaga. 

Ang sanggol ay kinilalang si Jinsydi Galme na tinangka pang isugod sa JP Sioson Hospital ng kanyang lolang si Ma. Teresa pero hindi na rin umabot pa nang buhay.

Sa ospital na rin nalaman ni Ma. Teresa na nasawi ang sanggol sa pamamagitan ng pananakal matapos makitaan ng sintomas tulad ng pasa, hematoma sa bandang panga at galos sa leeg.

Ito rin ang ugat para ipa­alam ng ospital sa awtoridad ang insidente at saka dinakip ang ama nitong si Mark Renil Galme, 30 at imbestigahan. 

Base sa imbestigasyon ni SPO1 Johnny Mahilum, nangyari ang insidente sa bahay ng biktima na matatagpuan sa Ilocos Sur St., Brgy Ramon Magsaysay sa lungsod.

Bago ito, sinabi ni Mark Renil na natagpuan niya ang anak na hindi na humihinga habang nakahiga sa kanyang crib. 

Dahil dito, agad niyang tinawag ang nanay na si Ma. Theresa para dalhin ang sanggol sa ospital.

Sinasabing nasa trabaho ang nanay ng sanggol nang maganap ang insidente at tanging si Mark Renil ang kasama at nagpatulog sa sanggol. Kaya nang manahimik umano ang sanggol ay tinignan ito ni Mark Renil kung saan niya nabatid na hindi na ito humihinga.

Mariing itinanggi ni Mark Renil na siya ang pumatay sa anak, pero umamin itong nakainom nang mangyari ang insidente. Pero ayon kay Mahilum, ang galos sa leeg ng sanggol ay maaring sanhi ng pananakal.

Nahaharap ngayon si Mark Renil sa kasong parricide, habang patuloy ang pagsisiyasat ng awtoridad sa nasabing insidente.

vuukle comment

BRGY RAMON MAGSAYSAY

DAHIL

ILOCOS SUR ST.

JINSYDI GALME

JOHNNY MAHILUM

MARK RENIL

MARK RENIL GALME

SANGGOL

SIOSON HOSPITAL

TERESA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with