^

Metro

Trapiko sa MM lumalala, kalsada nagiging mapanganib

- Danilo Garcia - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Apat na lungsod sa Metro Manila ang itinuturing na may pinakamapanganib na lansangan ngayon na pinangungunahan ng Quezon City dahil sa patuloy na paglobo ng dami ng sasakyan, pribado o pampubliko.

Sa database ng MMDA, umabot sa 24,817 ang naitalang aksidente sa Quezon City lamang habang naitala naman sa Makati, Pasay, Parañaque at Taguig City ang kabuuang 20,000 kung saan pinakamarami ang nasawing pedestrian na umabot ng 181, sumunod ang tsuper 159  at panghuli ang pasahero na umabot ng 56.

Lumabas naman sa datos ng Land Transportation Office (LTO) na may pinakamaraming pribadong sasakyan ang tumatahak sa metro roads na umaabot na sa 430,042, sumunod ang taxi, jeepney at FX na may bilang na 409,066, trucks at trailers na aabot sa 60,552 habang ang mga pampasaherong bus ay 6,087.

Ayon naman sa Chamber of Automotive Manufacturers of the Philippines, lumobo sa 27 porsiyento ang bilang ng mga pribadong kotse noong 2010 at lumiit naman sa 10 porsiyento ang rehistradong bus sa Metro Manila. Nadagdagan lamang noong nagdaang taon ng 2,409 ang naire­histrong bus sa bansa  kung saan 6,087 sa mga ito ang pumapasok sa Metro Manila. Umabot naman sa 293,113 ang nakarehistrong motorsiklo at tricycle.

Ayon kay MMDA Assistant Manager for Operations Atty. Emerson Carlos, ang paglobo ng bilang ng mga pribadong sasakyan ang dahilan ng pagsisikip ng daloy ng trapiko at hindi na ito akma sa disenyo ng EDSA. Bukod pa aniya rito ang  kakulangan ng kanilang mga traffic enforcers na umaabot lamang sa 1,600

Sinabi ni Carlos na ta­nging ang pagtatayo ng Skybridge ang nakikita nilang solusyon sa problema subalit pag-aaralan pa ito ng National Econo­mic Development Authority (NEDA) bago ipapasa sa Department of Transportation and Communication (DOTC) kung sakaling aprobahan  upang sila ang humawak ng kontrata.

Hindi naman nabanggit ng MMDA na isa sa dahilan ng kawalang-disiplina ng mga driver ang patuloy na “padrino system” kung saan inaareglo umano ng mga kasanggang politiko o opisyal ng pamahalaan ang mga bayolasyon ng mga tsuper na nahuhuli ng mga enforcers.

Sa ngayon aniya ay binabantayan na lamang nilang mabuti ang mga delikadong lansangan tulad ng EDSA, Commonwealth Avenue, Quezon Ave., Katipunan Ave., Pres. Osmeña Highway, Buendia Ave., Radial 10, Roxas Blvd., Ninoy Aquino Ave., East Service Rd., Carlos P. Garcia Ave. (C-5), Quezon St.,Dr. A. Santos Ave.,  Alabang-Zapote Rd., Marcos Highway, Quirino Highway at Rizal avenue extension upang mabawasan ang nagaganap na aksidente.

ALABANG-ZAPOTE RD

ASSISTANT MANAGER

AYON

BUENDIA AVE

CARLOS P

CHAMBER OF AUTOMOTIVE MANUFACTURERS OF THE PHILIPPINES

COMMONWEALTH AVENUE

METRO MANILA

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with