^

Metro

Dumayo para mangutang, kinursunada, pinatay

- Ludy Bermudo - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Hindi na nakautang, kinursunada pa at na­patay ang isang construction worker na dumayo pa sa bahay ng kanilang kon­tratista sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktimang si Ronald Echavaria, nasa 30-35 anyos, at umano’y residente ng Parola Compound, sa Tondo na natagpuang nakabulagta at may tama ng 3 bala sa katawan sa Road 10, Vitas, Tondo.

Sa inisyal na ulat ni PO2 Ronald Gallo ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas -7:00 ng gabi, nang makarinig ang mga residente ng magkakasunod na putok ng baril sa pagitan ng Building 20 at Building 24 sa Temporary Housing, sa Road 10 Vitas, Tondo.

Dumayo lamang umano ang biktima sa bahay ng kontratistang si Nestor Murillo para mangutang ng pera, dahil isa ang una sa karpintero nito.

Nabigo itong makautang at pauwi na nang makursunadahan ng hindi pa nakikilalang mga suspect at pagbabarilin.

Blangko pa ang pulisya sa motibo at pagkilanlan ng salarin.  

vuukle comment

BLANGKO

DUMAYO

GALLO

KINILALA

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

NESTOR MURILLO

PAROLA COMPOUND

RONALD ECHAVARIA

TEMPORARY HOUSING

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with