^

Metro

Amok patay sa parak

- Ludy Bermudo - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Patay ang isang 23-anyos na lalaki na sinasabing walang habas na nagpapaputok ng baril at nagawa pang manlaban sa rumespondeng mga kagawad ng pulisya nang gantihan ito ng mga putok ng baril sa Baseco Compound, Port Area, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang nasawi na si Alinor Amatunding, 23, tubong Agusan Del Sur, miyembro ng Commando gang at residente ng Baseco Compound, Port Area.

Samantala, isinailalim na sa interogasyon ng Manila Police District-Homicide Section ang mga tauhan ng MPD-Ermita Police Station 5, na sina P/Insp. Danilo Anselmo , hepe ng Bagong Lupa Police Community Precinct (PCP)   at tauhan na sina PO3 Carlos Limbo at PO3 Pierre Bautista.

Sa ulat, dakong alas-5:30 ng hapon naganap ang nasabing insidente sa harapan ng Baseco Elementary School sa 2nd St., Baseco.

Bago ang insidente, nakatanggap ng tawag mula sa barangay tanod ang nasabing PCP commander hinggil sa walang habas na pagpapaputok ng baril ni Amatunding na kanilang tinungo.

Nang marating ang lugar, mabilis umanong tinutukan ng baril ni Amatunding ang isang tricycle driver at inutusang itakbo na subalit hinabol siya ng grupo ng pulis hanggang sa makorner sa 2nd street.

Sa halip na sumuko ay pinaputukan nito ng baril ang mga pulis kaya napilitan ang mga huli na gumanti kung saan tinamaan ito at nasawi.

Narekober sa lugar ang isang kalibre 9 MM na baril; walong bala at isang kitchen knife.  

AGUSAN DEL SUR

ALINOR AMATUNDING

AMATUNDING

BAGONG LUPA POLICE COMMUNITY PRECINCT

BASECO COMPOUND

BASECO ELEMENTARY SCHOOL

CARLOS LIMBO

DANILO ANSELMO

PORT AREA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with