Koreano, 1 pa 'hinulidap' sa loob ng bahay
Manila, Philippines - Nabiktima ng hulidap ang isang Koreano at isang Pilipinong graphic artists makaraang damputin ng dalawang lalaki na nagpakilalang mga pulis at puwer sahang ipa-withdraw ang perang laman ng kanilang ATM cards, kamakalawa sa Las Piñas City.
Dumulog sa Las Piñas City Police ang mga biktimang sina Kim Byung Woo, 38, Korean national, ng Casimiro Village, Brgy. Pamplona 3, at si Alexander Tan Jr., 28, ng Gatchalian Village, Brgy. Manuyo 2, ng naturang lungsod.
Sa kanilang salaysay sa pulisya, abala sa kanilang trabaho ang mga biktima sa loob ng bahay ni Kim dakong alas-9:20 ng umaga nang dumating ang dalawang salarin at nagpakilalang mga pulis.
Dinala umano sila ng mga ito sa Citibank Muntinlupa Branch at puwersahang pinag-withdraw ng pera na nagkakahalga ng P20,000.
Mabilis na tumakas naman ang dalawang salarin lulan ng dalawang motorsiklo. Agad namang nagtungo sa himpilan ng pulisya ang dalawang biktima upang magreklamo.
Ngunit nang ipakita ang hanay at litrato ng mga pulis Las Piñas, walang ma ituro ang mga biktima habang nang puntahan ang naturang banko ay wala namang nakakabit na “closed circuit television camera (CCTV)” sa tapat ng kanilang ATM machine.
- Latest
- Trending