^

Metro

Tiyo arestado sa 3 ulit na panghahalay sa pamangkin

- Ludy Bermudo - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Arestado ang isang 25-anyos na lalaki ma­tapos ireklamo ng tatlong ulit na pangga­gahasa sa 14-anyos na pamangkin ng kaniyang misis sa Tondo, Maynila.

Kahapon ay iniha­rap ni Supt.Alexander Navarette kay Manila Mayor Alfredo S. Lim ang suspect na si Jordan Ramis, 25, at residente ng P. Fronda St. Tondo na positibong iti­nuro ng biktimang itinago sa pangalan “Kikay”, 2nd year high school, na dumaranas umano ng trauma ma­tapos ang pinakahuling pangyayari ng rape nitong Hulyo 14, sa bahay ng kanyang tiyahin at suspect.

Una na umanong dinakip at ikinustodiya ang suspect sa tanggapan ni Brgy. Chairman Jose Arnaldo subalit nang makitaan ng kakaibang kilos ang biktima na depressed at nagtatangkang magpakamatay ay nagpasya ang mga magulang na magpa­saklolo kay Lim para sa kaukulang aksyon.

Agad inatasan ni Lim si Manila Police District director C/Supt. Alejandro Gutierrez na arestuhin ang suspect at agad sampahan ng kaso. Ibinunyag pa ng magulang ng biktima na kilalang holdaper din umano ang suspect.

vuukle comment

ALEJANDRO GUTIERREZ

ALEXANDER NAVARETTE

ARESTADO

BRGY

CHAIRMAN JOSE ARNALDO

FRONDA ST. TONDO

JORDAN RAMIS

MANILA MAYOR ALFREDO S

MANILA POLICE DISTRICT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with