^

Metro

P10-M halaga ng ari-arian, tupok sa sunog

- Angie dela Cruz, - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Tinatayang aabot sa P10 million halaga ng mga ari-arian ang natupok ng apoy sa naganap na sunog sa isang pabrika ng plastic sa Valenzuela City kahapon ng umaga. Sa report ng Bureau of Fire, dakong alas-2:05 ng mada­ling-araw nang magliyab ang Tats Plastic Industries na matatagpuan sa Hermosa Compound, Brgy. Dalandanan ng   nabanggit na lungsod na pagmamay-ari ng mag-asawang Angel at Ma.Teresita Lao.

Nabatid na nahi­rapan ang mga rumes­pondeng bumbero sa pag-apula ng apoy dahil sa mga nakatambak na plastic sa loob at labas ng pabrika. Dahil sa mayroong malaking fire wall ang pabrika kaya napigilan nito na kumalat ang sunog sa mga nakatira sa likuran ng pabrika.

BRGY

DAHIL

DALANDANAN

HERMOSA COMPOUND

NABATID

TATS PLASTIC INDUSTRIES

TERESITA LAO

TINATAYANG

VALENZUELA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with