^

Metro

Ginang durog ang binti sa tren

- Ludy Bermudo - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Isang 28-anyos na ginang ang nadurog ang isang binti nang ma­sa­gasaan ng tren sa panulukan ng Antipolo St. sa Tondo, Maynila, kamaka­lawa ng hapon.

Sa inisyal na ulat, lu­ma­labas na may malalim na iniisip ang biktimang si Marissa Gomez, ng Lambakin, Marilao, Bulacan at dati umanong nakatira lamang sa gilid ng riles sa Antipolo St., nang ito ay naglalakad papa­tawid sa riles kaya hindi naririnig ang malakas na busina ng tren.

Dakong alas-12:30 ng hapon kahapon, nang maganap ang insidente sa west-bound ng railroad track, patungong Tu­tuban. Inoobserbahan pa ang biktima na isi­nu­god sa Jose Reyes Memorial Medical Center na diumano’y nadu­rog ang mga buto sa binti na posibleng maputulan.

Sa nakalap na impormasyon, tuliro umano ang ginang dahil sa kasalukuyan ay nakaburol umano ang anak nito sa kanilang bahay sa Bulacan, kung saan sila nai-relocate.

vuukle comment

ANTIPOLO ST.

BULACAN

DAKONG

INOOBSERBAHAN

ISANG

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

LAMBAKIN

MARILAO

MARISSA GOMEZ

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with