^

Metro

Importer ng shabu, tiklo ng PDEA

- Ricky ­Tulipat - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Isang hinihinalang shabu importer ang inaresto ng pinagsanib na operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Bureau of Customs (BOC) at Philippine National Police (PNP) matapos na tanggapin nito ang isang package na naglalaman ng higit kumulang sa P500,000 halaga ng shabu mula sa undercover agent sa isinagawang controlled delivery operation sa Apalit Pampanga iniulat kahapon.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Jose S. Gutierrez, Jr., ang suspect na si Rolando Sunga, alyas Rolly, 52, ng Sampaga, San Vicente, Apalit, Pampanga. Si Sunga ay nadakip ng mga tropa ng PDEA Re­gional Office National Capital Region (PDEA RO-NCR) sa pamumuno ni Director Wilkins Villanueva, BOC at PNP. Dahil dito, kung kaya nagsagawa ng operation ang nasabing tropa sa pamamagitan ng pagbibigay ng natitirang package kay Sunga at nagkasundong dalhin ito sa bahay niya, ganap na alas-6 ng gabi.

Nang tanggapin ni Sunga ang nasabing package ay saka ito dinamba ng mga nakaantabay na mga ope­ratiba at inaresto. Nakumpiska kay Sunga ang isang plastic box na naglalaman ng may 106 gramo ng shabu.

Kasong paglabag sa Section 4 (Importation of Dangerous­ Drugs) at Section 11 (Possession of Dangerous­ Drugs), Article II ng Republic Act 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kinakaharap ngayon ng suspect.

APALIT PAMPANGA

BUREAU OF CUSTOMS

DIRECTOR GENERAL UNDERSECRETARY JOSE S

DIRECTOR WILKINS VILLANUEVA

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

DRUGS ACT

IMPORTATION OF DANGEROUS

OFFICE NATIONAL CAPITAL REGION

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SUNGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with