^

Metro

Baril inunan, pulis patay

- Ludy Bermudo - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Tama ng bala sa kanang tenga na tumagos sa noo ang ikinasawi ng isang 49-anyos na pulis-Maynila nang aksidenteng pu­mutok umano ang sariling service firearm na kanyang inunan at hinigaan upang magpahinga sa mismong tanggapan ng Zero Obstruction Section ng Manila Police District-Traffic Management Bureau sa Port Area, Maynila, kama­kalawa ng hapon.

Sinabi ni Senior­ Insp. Joselito de Ocampo, hepe ng MPD-Homicide Section, may ilang oras pang nakipaglaban sa kamatayan ang bik­timang si SPO3 Hirro Hernandez, nakatalaga sa Manila District Traffic Enforcement Unit at residente ng   Ambrosia Cruz St., Novaliches, Quezon City.

Nabatid na dakong ala-1:30 ng hapon ng Martes nang maganap ang insidente sa loob ng nabanggit na tanggapan.

Bago ang insidente, desk officer umano ang biktima nang du­mating ang isang Ma. Fe Daus, 33, ng Phase I Mulawin St., Francisco Homes San Jose del Monte, Bulacan para bisitahin ang biktima.

Ilang sandali pa ay nakaramdam umano ng pananakit ng ulo ang biktima at ipinasya nitong hubarin na ang kanyang uniporme at nagpalit na ng sibilyan na damit saka humiga sa sofa at inilagay sa ilalim ng kanyang unan ang baril. Nagulat si Daus nang marinig ang malakas na putok na inakala niyang siya pa ang tinamaan subalit nakitang duguan na si Hernandez.

Mabilis na lumabas si Daus at humingi ng tulong sa mga kasama­han ng biktima na nag­sugod naman dito sa Ospital ng Maynila (OSMA) kung saan ito idineklarang patay.

Ayon sa imbestigas­yon, walang ibang sugat ang biktima ma­liban sa tama ng bala.

Kahapon ay isina­ilalim sa paraffin test si Daus para makatiyak lamang­ na walang foul play na naganap sa na­turang insidente.

vuukle comment

AMBROSIA CRUZ ST.

FE DAUS

FRANCISCO HOMES SAN JOSE

HIRRO HERNANDEZ

HOMICIDE SECTION

MANILA DISTRICT TRAFFIC ENFORCEMENT UNIT

MANILA POLICE DISTRICT-TRAFFIC MANAGEMENT BUREAU

MAYNILA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with