^

Metro

LRT commuters binulabog ng granada

- Ricky ­Tulipat - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Nabulabog ang ilang mga commuters ng Light Rail Transit (LRT) sa Aurora Blvd. sa lungsod Quezon matapos na matagpuan ang isang granada malapit dito, ayon sa pulisya kahapon.

Ayon kay Insp. Noel Sublay, hepe ng Explosive Ordnance Division ng Quezon City Police District, ang MK2 hand fragmentation granade na nakita ng dalawang streetsweepers ay wala nang fuse.

Sinasabing natagpuan ang nasabing granada na nakalagay sa isang plastic bag sa may panulukan ng Aurora Blvd. at Pittsburg St., ganap na ala-1:17 ng hapon.

Sinabi ni Sublay, nang ma­kita ng dalawa ang grana­dang laman ng plastic ay iniwan na lang nila ito sa may center island malapit sa panulukan ng EDSA at Aurora Blvd.

Matapos nito ay ipinagbigay-alam ng dalawang street­sweeper sa barangay na siya namang tumawag ng tulong mula sa QCPD.

Agad namang rumes­ponde ang team ng EOD at maingat na kinuha ang bomba para hindi na magkaroon ng panganib sa publiko.

Gayunman, sabi ni Sublay, bagama’t wala na ang ibang parte ng granada, maaari pa umano itong sumabog kapag nailagay sa mainit na tempe­ratura.

AURORA BLVD

AYON

EXPLOSIVE ORDNANCE DIVISION

GAYUNMAN

LIGHT RAIL TRANSIT

MATAPOS

NOEL SUBLAY

PITTSBURG ST.

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

SUBLAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with