^

Metro

Pulis-Maynila dedo sa tandem

- Danilo Garcia - The Philippine Star

Manila, Philippines - Muli na namang su­malakay ang kilabot na riding­-in-tandem maka­raang pagbabarilin at ma­patay ang isang pulis-Maynila, kahapon ng umaga sa Pasay City.

Hindi na naisalba ng mga manggagamot ng San Juan de Dios Hospital dahil sa mga tama ng bala sa katawan at ulo ang biktimang si PO2 Jesus Lapuz, nakatalaga sa Manila Police Traffic Bureau.

Sa ulat ng Pasay City Police, naganap ang pa­mamaril dakong alas-9:48 ng umaga sa service road ng Roxas Boulevard malapit sa Japanese Embassy.

Nabatid na lulan din ng motorsiklo si Lapuz at napansin ang mga salarin na riding-in-tandem kung saan sinita niya ang mga ito dahil ang isa ay hindi nakasuot ng helmet.

Habang sinisita ng biktima, pinaharurot ng mga suspek ang sinasakyang motorsiklo hanggang habulin ito ng parak at nang abutan ay dito na bumunot ng baril ang nakaangkas na salarin at sunud-sunod na pinaputukan si Lapuz na sumemplang.

Nakabunot pa umano ng baril ang biktima at tinangkang gumanti ngunit tulu­yan nang nawalan ng ulirat.

Agad naman itong sinaklolohan ng mga naka­saksing tao sa lugar at isi­nugod ito sa pagamutan.

Nakuha naman sa tabi ng motorsiklo ni Lapuz ang isang identification card na may marking www.express sa pangalan ng isang Allan Centeno na hinihinalang nahablot ng pulis buhat sa isa sa mga salarin.

ALLAN CENTENO

DIOS HOSPITAL

JAPANESE EMBASSY

JESUS LAPUZ

LAPUZ

MANILA POLICE TRAFFIC BUREAU

PASAY CITY

PASAY CITY POLICE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with