^

Metro

Salvage victim lumutang sa ilog

- Ludy Bermudo - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang matapos lumpuhin at paluin ng matigas na bagay sa ulo ay initsa na lamang sa Pasig River ang bangkay ng hindi pa kilalang lalaki sa bahagi ng Sta. Ana, Maynila at natagpuang lumulutang kahapon ng umaga.

Inilarawan ang biktima sa edad na 55-60, katamtaman ang katawan, kayumanggi ang kulay ng balat, nakasuot ng t-shirt at short pants.

Dakong alas-7:30 ng umaga­ nang mamataan ng mga residente ang palutang-lutang na bangkay sa Ilog Pasig sa tapat ng Villas Compound, Sta. Ana.

Sa tulong ng security guard na si Danny Avelino ay naitawag sa pulisya ang na­kitang katawan.

Sa masusing pagsusuri, nagkabali-bali umano ang mga buto ng biktima mula sa hita hanggang sakong at basag din ang bungo.

Dinala naman sa St. Yvan Funeral Parlor ang bangkay ng biktima para sa awtopsiya at safekeeping.

vuukle comment

DAKONG

DANNY AVELINO

DINALA

ILOG PASIG

INILARAWAN

MAYNILA

PASIG RIVER

PINANINIWALAANG

ST. YVAN FUNERAL PARLOR

VILLAS COMPOUND

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with