^

Metro

14-anyos patay, tatay sugatan sa driver ni VP Binay

- Ludy Bermudo - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Dead-on-the-spot dahil sa pagkabasag ng bungo­ at lasog na katawan ang 14-anyos na binatilyo habang sugatan ang ama nito nang mabangga ng isang AUV ng nagpa­kilalang driver umano ni Vice-President Jejomar Binay­ sa Osmeña Highway, San Andres Bukid, Maynila, kahapon ng umaga­.

Sa imbesigasyon ni SPO4 Mario Jorge, ng Manila Traffic Enforcement Unit, kagyat ang naging kamatayan ng biktimang si Joshua Danao, habang sugatan naman ang kanyang amang si Rolando Danao Jr., na isinugod sa Ospital ng Maynila (OSMA).

Nagtangka pang tak­buhan ng suspect na si   Eduardo Herrera, na nagpakilalang driver umano ni VP Binay ang kanyang mga nabiktima kung saan isang taxi driver lamang na hindi nakuha ang pa­ngalan ang hu­mabol dito at humingi ng saklolo sa mga enforcer kung kaya nahuli ang suspect­.

Minamaneho ng suspect ang kulay itim na Mitsu­bishi Adventure (WSW 194) nang ma­ganap ang trahedya.

Nabatid na lasing umano ang driver kasama ang isang Chariz Cudiamat na naaresto sa bahagi na ng Makati na nagtangka pang tumakas kahit tu­milapon ng may 50 metro ang nasawing biktima matapos nitong masalpok.

Galing umano sa isang party at nakainom si Herrera­ at si Cudiamat nang mabunggo ang biktima.

Nahaharap ngayon sa kasong reckless im­prudence resulting in homicide­ at physical in­juries si Herrera na ka­salukuyang nasa kustodiya ng Traffic Bureau.

vuukle comment

CHARIZ CUDIAMAT

HERRERA

JOSHUA DANAO

MANILA TRAFFIC ENFORCEMENT UNIT

MARIO JORGE

MAYNILA

ROLANDO DANAO JR.

SAN ANDRES BUKID

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with