^

Metro

Dugo-dugo gang, huli sa bitag

- Angie dela Cruz, - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Natimbog ang sinasabing isang miyembro ng “Dugo-dugo gang” sa isinagawang entrapment operation ng mga pulis sa Valenzuela City kamakalawa.

Nakilala ang suspek na si Arnel Faustino, 36, ng F. Cruz St., Brgy. Tangos, Navotas City.

Ayon sa imbestigasyon ng Valenzuela City Police, nabatid na bibiktimahin ng grupo ni Faustino ang katulong ni Jennifer Nieto, 36, na si Emma Randon, kapwa ng T. de Leon St., Brgy. Karuhatan ng nabanggit na lungsod subalit nakatunog at lumapit sa mga pulis ang mga biktima.

Kung kaya’t nagsagawa ng entrapment operation ang mga pulis dakong alas-4:00 ng hapon sa MacArthur Highway at nang iabot ni Randon ang bag na may laman na P300,000 sa suspek ay agad na dinamba si Faustino.

Inaalam pa ng mga pulis kung sino pa ang mga kasama ni Faustino.

ARNEL FAUSTINO

BRGY

CRUZ ST.

EMMA RANDON

FAUSTINO

JENNIFER NIETO

LEON ST.

NAVOTAS CITY

VALENZUELA CITY

VALENZUELA CITY POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with