^

Metro

PAF umalma sa paglilinis ng mga estero

- Joy Cantos - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Umalma na ang Philippine Air Force (PAF) sa pagli­linis ng mga maba­bahong estero, pagtatrapiko  at iba pang community clean-up project sa ilalim ng Internal Peace Security Plan (IPSP) Bayanihan ng adminis­trasyon.

Ang nasabing sentim­yento ay inilabas ng PAF sa magazine nitong “The Air Force Way”, na ipinamudmod sa mediamen sa pagdiriwang ng ika-65 ani­bersaryo nito noong Biyer­nes ng nakalipas na linggo.

Sa nasabing artikulo  na pinamagatang “Militum Phasellus”, dahilan sa pina­lawak na trabaho ng mga sundalo para sa mga sibil­yan ay lubhang nakakaapekto na sa kanilang oryentasyon na hindi na umano naa­akma sa kanilang tunay na mga trabaho alinsunod sa sinumpaang tungkulin na maging tagapagtanggol ng kapayapaan.

Nabatid na kabilang sa ginagawa ngayon ng PAF na bahagi ng CMO sa mga kalunsuran partikular na sa Metro Manila na ikinababa na umano ng moral ng mga sundalo lalo na ang mga nasa mababang ranggo ay maglinis ng mga baradong estero, ilog, paglilinis ng kalye­ na mistulang mga metro­ aides, pagtuturok sa mga aso, pagtulong sa trapiko at iba pang mga community project na sobrang­ lihis na umano sa kanilang mga trabaho.

Alinsunod sa IPSP  Baya­nihan na nagla­layong tul­dukan ang communist insurgency o pamamayagpag ng NPA hanggang 2016 ng administrasyon ni Pa­ngulong Benigno Aquino III ay  mas ginagawang aktibo sa Civil Military Operations (CMO) ang mga sundalo at binabawasan ang combat ope­ration o engkuwentro sa NPA rebels.

Samantalang kabilang pa sa CMO na isinasagawa ng AFP sa mga kanayunan ay ang pagkukumpuni ng mga eskuwelahan, paggawa ng mga kalsada, tulay, pagtatayo ng mga gusali kung saan ang mga sundalo ang nagsisilbing inhinyero at siyang gumagawa ng konstruksyon.

Samantalang ang mga sundalo rin ang panguna­hing nagreresponde sa mga panahon ng kalamidad bilang mga rescuer.

 Dahil umano sa nasabing mga pagbabago ay mistula na rin silang mga pulis, relief workers­, educators, builders­, health care providers, politicians at hindi mga mandi­rigmang panghimpapawid.

Idinagdag pa rito na ang mga aktibo nilang opisyal ay nagsisilbing mga advisers ng mga pulitiko na lihis sa kanilang ‘chain of command’ na bawal ang makisawsaw sa pulitika.  

AIR FORCE WAY

BENIGNO AQUINO

CIVIL MILITARY OPERATIONS

INTERNAL PEACE SECURITY PLAN

METRO MANILA

MILITUM PHASELLUS

PHILIPPINE AIR FORCE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with