^

Metro

Tanod tigok sa kawatan

- Ludy Bermudo - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Isang barangay tanod ang namatay nang saksakin ng ilang ulit ng isang kawatan na kanyang sinita sa paggiba ng lumang pader sa labas ng Manila North Ceme­tery upang masikwat ang bakal na nasa loob sa Sta. Cruz, Maynila, kahapon ng umaga. Dead on arrival sa Chinese General Hospital ang biktimang si Roman Me­neses, caretaker sa ilang puntod sa nasabing sementeryo at tanod ng Brgy. 376, Zone 38, na nakatira sa 1st. St., loob ng North Ce­metery. Nakatakas naman ang suspect na kilala lamang sa alyas na “Joey Suso” residente ng  Leonor Rivera St., Sta. Cruz, Maynila.

Sa ulat ni PO3 Rodel Benitez ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-11 ng umaga kahapon nang sitahin ng biktima ang suspect na notoryus umanong magnanakaw sa lugar hanggang sa magtalo at tumakbo ang suspect papasok sa A.M. Alfonzo Battery Center sa A. Boulevard extension, kung saan gumanti ng saksak ang suspect. Bago ang nasabing insidente, naaktuhan umano ni Meneses ang ginagawang paggiba ng suspect sa lumang pader, sa Leonor Rivera, malapit sa Aurora Boulevard sa Sta. Cruz , para lamang makuha nito ang mga bakal, upang ibenta umano sa junkshop.

Nabatid na ang suspect ay matagal nang hinahanting ng mga kaanak ng kanyang mga napatay sa Tambunting Sta. Cruz at Navotas City. Kilala umano itong holdaper ng mga dumaraan sa Blumentritt, Antipolo St. at iba pang kalapit na lugar sa Sampaloc, Maynila.

vuukle comment

ALFONZO BATTERY CENTER

ANTIPOLO ST.

AURORA BOULEVARD

CHINESE GENERAL HOSPITAL

CRUZ

JOEY SUSO

LEONOR RIVERA

LEONOR RIVERA ST.

MANILA NORTH CEME

MAYNILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with