^

Metro

100 bahay natupok sa sunog

- Angie dela Cruz, - The Philippine Star

Manila, Philippines -  Aabot sa 100 kaba­hayan ang natupok sa naganap na sunog sa Caloocan City kahapon ng madaling-araw.

Sa ulat ng Caloocan City Fire Department, dakong ala-1:00 ng madaling-araw nang magsimula ang sunog sa P. Zamora St., Brgy. 17 ng naturang lungsod at dahil­ dikit-dikit ang mga bahay­ ay mabilis na kumalat ang apoy.

Aabot sa 300 pamilya ang nawalan ng tirahan kung saan habang isinusulat ang balitang ito ay hindi pa tuluyang naaapula ang apoy.

Inaalam na kung ano ang pinagmulan ng sunog. Wala namang iniulat na na­sawi o nasugatan sa nasa­bing sunog.

vuukle comment

AABOT

BRGY

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY FIRE DEPARTMENT

INAALAM

SHY

SUNOG

WALA

ZAMORA ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with