MANILA, Philippines - Umaabot sa may 30 sako ng mga pirated at bold DVDs ang sinira kahapon sa quadrangle ng Manila City Hall makaraan ang ginawang pagsalakay ng mga tauhan ng Mayor’s Complaint Action Team(MCAT)sa Quiapo, Maynila.
Pinangunahan nina Manila Mayor Alfredo Lim at MCAT chief Ret. Col.Franklin Gacutan, ang pagwasak sa mga pirated DVDs, na tinatayang nagkakahalaga ng P30,000 hanggang P50,000.
Ayon kay Lim,patuloy ang kanilang gagawing monitoring at pagsalakay sa mga lugar na bentahan ng DVDs dahil matagal na itong ipinagbawal sa Maynila matapos ang isang kasunduan sa Optical Media Board(OMB)na pinamumunuan naman ni Ronnie Ricketts.
Bukod dito, maging ang mga sexual enhancers ay pinakukumpiska rin.