Tsuper todas sa tandem

MANILA, Philippines - Isang driver ang nasawi nang pagbabarilin ng riding in tandem habang ng una ay nasa loob ng nakaparadang minamanehong van sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Dead-on-the-spot sanhi ng mga tama ng bala sa katawan ang biktimang si David Martin, 46, ng Natividad Village , Deparo ng nabanggit na lungsod.

Samantala, inaalam pa ng Caloocan City Police ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-10:40 ng gabi, habang nagpapahinga ang biktima sa loob ng minamanehong Nissan Urban na nakaparada sa Deparo Road ng nabanggit na lungsod nang pagbabarilin ng mga suspect lulan ng motorsiklong hindi na nakuha ang plaka.

Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek kung saan inaalam na ng mga pulis ang motibo sa nasabing pamamaslang.

Show comments