^

Metro

21 kababaihan, sanggol nasagip sa sex den

- Joy Cantos - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Nailigtas ng pinagsanib na operatiba ng PNP-Cri­minal Investigation and Detection Group – Women and Children Protection Division (PNP-CIDG-WCPD) at Inter Agency Council Against Trafficking (IACAT) ang isang 4-na buwang sanggol at 21 kababaihang nagbebenta ng aliw sa isinagawang pagsalakay sa prostitution den sa Ermita, Manila kamaka­lawa ng gabi.

Ayon kay PNP-CIDG Chief P/Director Samuel Pagdilao Jr, bandang alas-8 ng gabi ng salakayin ng mga elemento ng PNP-CIDG-WCPD) sa pamumuno ni Supt. Emma Libunao, Special Reaction Unit at IACAT ng Department of Justice ang Bistro Emilio KTV Bar sa kahabaan ng United Nations Avenue sa panulukan ng Cortada St. sa Ermita ng lungsod.

Ayon sa opisyal, sa raid ay nailigtas ang isang 4- buwang sanggol na babae na anak ng isa sa mga sex worker at isang 15-anyos na menor de edad na taga- Tondo.

Ayon kay Libunao ang Bistro Emilio KTV Bar ay pinalitaw umano ng may-ari nito na isang tipikal o ordinaryong restaurant na walang kusina at may apat lamang na mesa kung saan pinahihilera ang mga baba­eng prostitute habang nag­hihintay ng kostumer.

Karamihan umano sa mga kostumer sa nasabing pro­s­titution den ay mga dayu­han na dumarayo at kontak ng nasabing bar.

AYON

BISTRO EMILIO

CHIEF P

CORTADA ST.

DEPARTMENT OF JUSTICE

DIRECTOR SAMUEL PAGDILAO JR

EMMA LIBUNAO

ERMITA

INTER AGENCY COUNCIL AGAINST TRAFFICKING

INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with