^

Metro

11-anyos na basurero, tumalon mula 5th floor ng gusali, kritikal

- Danilo Garcia - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Kritikal ang isang 11-anyos na batang mangangalakal ng basura makaraang tumalon mula sa ika-limang palapag na gusali kahapon sa Taguig City.

Nagtamo ng matinding pinsala sa buong katawan at nila­lapatan na ng lunas sa Philippine Army Hospital ang biktimang itinago sa pangalang Boy. 

Sa inisyal na ulat ng Taguig City Police, dakong alas-7 ng umaga nang tumalon sa rooftop ng limang palapag na gusali sa may Bayani Road, Brgy. Ususan, Fort Bonifacio, ang biktima.

Ayon sa pulisya, sinabi ng mga kaanak ng biktima na sumama ang loob ng bata nang makaaway nito ang kanyang mga kapatid sa harap ng hapag kainan habang nag-aalmusal sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Western Bicutan.

Ilang minuto lamang ang nakalilipas nang makita ng security guard na si Robinson Sanchez ang biktima na nasa rooftop ng binabantayan niyang gusali at umiiyak.  Nakita ni Sanchez na naglambitin sa mababang bakod ng rooftop ang bata kaya’t tinangka niyang pigilan ito sa pagtalon subalit hindi na niya naabutan pa ang biktima.

AYON

BAYANI ROAD

BRGY

FORT BONIFACIO

ILANG

PHILIPPINE ARMY HOSPITAL

ROBINSON SANCHEZ

TAGUIG CITY

TAGUIG CITY POLICE

WESTERN BICUTAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with