^

Metro

Preso nagbigti

- Ricky ­Tulipat - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Isang preso sa piitan ng Traffic Sector 1 (TS1) ng Quezon City Police ang nasawi makaraang magbigti sa loob ng comfort room gamit ang pinagdugtung-dugtong na tuwalya, t-shirt at panyo, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Ayon sa ulat ng pulisya, nakilala ang biktima na si Romeo Rodriguez, na may kasong reckless imprudence resulting in homicide.

Si Rodriguez ay natagpuan na lamang walang buhay na nakabigti gamit ang tuwalya sa loob ng CR ng nasabing istasyon ganap na alas-10 ng umaga.

Sinasabing ang biktima ay nakulong sa TS1 noong Hunyo 30, 2012 dahil sa pagkakabangga sa isang bicycle rider ng minamaneho niyang Unioil tanker (RFJ-883)  kung saan nasawi ang huli.

Bago ang insidente, nagpaalam na magtutungo sa comfort room ang nasawi para maligo na pinahintulutan naman ng opisyal na nakatalaga rito.

Subalit nang makapasok na sa loob ng CR ay hindi na ito lumabas pa, hanggang sa puntahan na ito ng striker ng TS1 na si Rolando Correa at pagbukas ay bumulaga sa kanya ang nakabiting katawan ng biktima.

 Nagawa pang maitakbo sa Quezon City General H­ospital ang biktima subalit makalipas ang ilang minuto ay idineklara rin itong patay.

Patuloy ang pagsisiyasat ng awtoridad sa nasabing insidente.

vuukle comment

AYON

HUNYO

ISANG

NAGAWA

QUEZON CITY GENERAL H

QUEZON CITY POLICE

ROLANDO CORREA

ROMEO RODRIGUEZ

SI RODRIGUEZ

TRAFFIC SECTOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with