^

Metro

2 patay sa gumuhong pader sa Valenzuela

Nina Lordeth Bonilla at Joy Cantos - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Dalawa katao kabilang ang isang 9-anyos na lalaki ang nasawi, habang sugatan naman ang da­lawang sanggol matapos madaganan ang kanilang mga bahay ng gumuhong pader dahil sa walang tigil na pag-ulan sa Valenzuela City kahapon ng umaga.

 Kinilala ang mga biktima na sina Rodel Pugoy, Sr., 29, at ang batang si Christian Serrrano, residente ng Sitio Kabatuhan, Brgy. Gen. T. de Leon ng nasabing lungsod.

 Nasa ligtas namang kalagayan ang dalawang anak ni Pugoy na sina    Rodel, Jr., 2-anyos at Rhiver­, 1 na nagtamo ng mga galos at sugat sa iba’t bang bahagi ng katawan.

 Ayon kay  Ahna Mejia­, Public Information Officer (PIO) chief  ng Valenzuela City Hall Office,  naganap ang insidente dakong alas-10:00 ng umaga­ habang nasa loob ng bahay ang mga biktima.

Ayon sa salaysay ng mga kapitbahay ng mga biktima, bigla na lamang umanong bumagsak ang pader sa bahay ng mga biktima na naging dahilan upang madaganan ang mga ito.

 Dahil sa biglaang pagbagsak ay natabunan ang biktimang si Rodel, Sr. at ang batang kapitbahay, habang ang mga anak naman ng una na sina Rodel, Jr. at Rhiver ay nagawang mailigtas ng mga rescue team dahil hindi masyadong natabunan ang katawan ng mga ito.

AHNA MEJIA

AYON

CHRISTIAN SERRRANO

PUBLIC INFORMATION OFFICER

RHIVER

RODEL

RODEL PUGOY

SITIO KABATUHAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with