^

Metro

Koreano nagbigti

- Danilo Garcia - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Isang Korean national ang iniulat na nagpakamatay sa pamamagitan nang pagbi­bigti, kamakalawa ng umaga sa naturang lungsod.

Isinugod pa sa Parañaque Medical Center ang biktimang si Jung Jinoung, 52, ngunit hindi na rin ito umabot ng buhay.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-10 ng umaga kama­kalawa nang madiskubre ng misis ng nasawi na si Kim Min Kyung ang nakabigting asawa sa loob ng shower room ng kanilang bahay sa Nicanor Tomas St., Phase 6A, Brgy. BF Homes, ng naturang lungsod.

Kaagad na tinawag ni Kim ang kanilang mga anak at pinagtulungan nilang alisin ang nakapulupot na kawad sa leeg ng biktima na ang ka­bilang dulo ay itinali naman sa biga sa loob ng shower room.

Nananatiling tikom ang bibig ng mga kapamilya ng na­sawi sa posibleng dahilan ng papapatiwakal nito. Habang wala namang makitang marka ng anumang ka­guluhan sa loob ng bahay ng biktima, gayunman patuloy pa rin ang imbestigasyon upang alamin kung may naganap na foul play sa pagkamatay nito.  

vuukle comment

BRGY

HABANG

ISANG KOREAN

ISINUGOD

JUNG JINOUNG

KAAGAD

KIM MIN KYUNG

MEDICAL CENTER

NANANATILING

NICANOR TOMAS ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with