^

Metro

Driver kinatay ng kapwa driver habang natutulog

- Ludy Bermudo - The Philippine Star

MANILA, Philippines -  Patay ang isang jeepney driver habang sugatan ang isa pa, nang pagsasaksakin ng lasing na kabaro, habang natutulog sa loob ng dyip sa Sta. cruz, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Dead-on-arrival sa Jose Reyes Memorial Medical Center dahil sa malalalim na saksak sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktimang si Christopher Yahut, 36, ng Alonzo St., Balut, Tondo, Maynila habang inoobserbahan sa nasabing pagamutan ang sugatang si George Quejada, 53, ng Golden City, Imus, Cavite sanhi ng mga tama ng patalim sa kaliwang braso at sa kamay.

Tinutugis na ang suspect na kinilala lamang sa alyas na Edwin na tumakas sakay ng kanyang pampasaherong jeep (PXW-914) na may biyaheng Baclaran-Blumentritt.

Dakong alas-12:01 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa loob ng pampasaherong jeep sa paradahan ng biyaheng Baclaran Via Blumentritt sa panulukan ng Aurora Boule­vard at Cavite St., Sta.Cruz.

Nauna rito, dumating ang suspect na naghahanap ng kanyang nawawalang clutch bag na naglalaman ng mahahalagang dokumento. Mismong si Yahut pa ang katuwang umano nito sa pag­hahanap at nang hindi ma­tagpuan ay umalis nang galit.

Nang bumalik ang suspect sa paradahan ng dyip ay lasing na ito at dinatnan na mahimbing na ang tulog ni Yahut at Quejada sa loob ng dyip at walang sabi-sabing hinalihaw nito ng saksak ang dalawa bago tumakas lulan ng kanyang minamanehong dyip.  

vuukle comment

AURORA BOULE

BACLARAN VIA BLUMENTRITT

CAVITE ST.

CHRISTOPHER YAHUT

GEORGE QUEJADA

GOLDEN CITY

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

MAYNILA

YAHUT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with