^

Metro

4 killer ng ginang, tiklo

- Danilo Garcia - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Makaraan ang siyam na araw, nadakip na ng mga tauhan ng Northern Police District (NPD) ang apat na lalaki na mga suspect sa pamamaril at pagpatay sa isang ginang sa tapat ng isang paaralan sa Malabon City.

 Sina Crisanto Mendoza, Alvin Tolentino, Emmanuel Ocampo, at Mark Tolentino, ay itinuturong mga sangkot sa pagpaslang sa biktimang si Erlina Sta. Maria, 39, ng Tumares St., Tugatog, Malabon City.

 Sa ulat ng NPD, nadakip ang mga suspect sa pinagtataguang safehouse sa may Sta. Monica, Novaliches, Quezon City makaraang makatanggap ng impormasyon ang pulisya sa kinaroroonan ng mga ito. Sa pagsalakay ng pulisya, nakuhanan pa umano ang mga suspect ng ilang pakete ng hinihinalang shabu.

Matatandaan na binaril at napatay si Sta. Maria dakong alas-9:30 ng gabi noong Hunyo 21 sa tapat ng Tugatog E­lementary School.  Dinala ang biktima sa Pagamutan Lungsod ng Malabon ngunit hindi na umabot ng buhay dahil sa tama ng bala sa balikat at leeg.

Isinasailalim sa imbestigasyon ang mga suspect upang mabatid ang motibo ng pamamaslang habang nahaharap na ang mga ito sa kasong murder at paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2010.

ALVIN TOLENTINO

DRUGS ACT

EMMANUEL OCAMPO

ERLINA STA

MALABON CITY

MARK TOLENTINO

NORTHERN POLICE DISTRICT

PAGAMUTAN LUNGSOD

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with