^

Metro

Misis todas sa tandem

- Ricky ­Tulipat - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Patay ang isang ginang makaraang pagbabarilin ng riding in tandem suspect matapos na manlaban habang kinukuha ang kanyang dalang bag sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Sa ulat ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police, nakilala ang biktima sa pa­ngalang Lorna Barlan, nasa pagitan ng edad na 50-57, sampaguita vendor at walang tiyak na tirahan.

Mabilis namang tumakas ang mga suspect sakay ng isang motorsiklo matapos ang pamamaril.

Ayon kay SPO1 Greg Maramag, nangyari ang insidente sa may sidewalk malapit sa Light Rail Station harap ng St. Joseph Church, Aurora Blvd., Brgy. Bagumbong, ganap na alas 5:20 ng hapon.

Sinasabing naghihintay ng masasakyan ang biktima patungong Quezon Avenue nang lapitan ito ng isa sa mga suspect, at biglang agawin ang bitbit niyang bag.

Nang manlaban ang biktima ay bigla itong pinaputukan sa ulo ng suspect. Nang bumu­wal sa lapag ang biktima at mabatid na patay na ito ay saka umalis ang suspect patungo sa kanyang kasamahang naka-motorsiklo at sumakay, saka nagsitakas patungong Cubao.

Sa pagsisiyasat ng awtoridad, narekober sa lugar ang isang basyo ng kalibre 45 ba­ril na ginamit sa pamamaslang sa biktima.

Nagsasagawa ng imbestigasyon ang awtoridad sa naturang insidente.

AURORA BLVD

AYON

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

GREG MARAMAG

LIGHT RAIL STATION

LORNA BARLAN

NANG

QUEZON AVENUE

QUEZON CITY POLICE

ST. JOSEPH CHURCH

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with