^

Metro

Bagitong pulis wanted sa hulidap

- Danilo Garcia - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Isa na namang bagitong pulis ang nahaharap ngayon sa reklamong panghoholdap makaraang akusahan ng anim na lalaki na tumangay ng kanilang pera at cellular phones nang damputin sila habang naglalaro ng bilyar sa Caloocan City.

Hanggang sa nga­yon ay hindi pa nagre-report sa Pangarap Police Detachment sa Caloocan City si PO1 Jake Zacarias matapos ireklamo ng mga biktimang sina Erwin Evangelista, Nelson Feriol, Celson Mahinay, Christopher de Guzman, Roderick Macay at Noli Española, pawang residente ng Brgy. 186, Tala, sa naturang lungsod.

Sa ulat na inilabas lamang kahapon ng Caloocan City Police, naganap ang insi­dente dakong alas-3 ng madaling-araw nitong Hunyo 29. Nabatid na nagbibilyar ang mga biktima sa may St. Joseph Avenue sa naturang barangay nang dumating umano si Zacarias at isa pang lalaki at nagpakilalang mga pulis. 

Dinampot ng da­lawa ang anim sa hindi maipaliwanag na paglabag umano sa batas. Sa labas ng bilyaran, pilit na kinuha umano ng dalawa ang pera nila na aabot sa P4,300 at mga cellular phones saka umalis. 

Nahaharap na ngayon sa kasong robbery ang mga suspect kung saan nanawagan si P/Insp. Allan Apa, hepe ng Pangarap detachment, kay Zacarias na kusang-loob na sumuko upang hindi na lumaki pa ang kaso.

ALLAN APA

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

CELSON MAHINAY

ERWIN EVANGELISTA

JAKE ZACARIAS

NELSON FERIOL

NOLI ESPA

PANGARAP POLICE DETACHMENT

RODERICK MACAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with