Aso sinagip sa sagasa ng amo, patay pareho

MANILA, Philippines - Sa kagustuhang masagip ang alagang aso na tumawid sa kal­­­sada, isang 13-anyos na binatilyo ang na­matay makaraang araruhin ng isang pampasaherong bus kahapon ng mada­ling-araw sa Quezon City.

Nakilala ang nasa­wing biktima na si John Melo Solomon, ng Ba­lintawak, Quezon City sanhi ng tinamong malubhang sugat sa ulo at katawan. Nasawi rin ang alaga nitong aso na tinangka niyang iligtas­ sa kapahamakan.

Ayon sa mga ka­anak ng biktima, nakawala kasi ang kanilang aso at biglang tumawid ng kalsada kaya hinabol ito ng biktima na sakto namang parating ang bus at nasapul ito.

Sinabi pa ng mga saksi, bumaba pa umano ang driver ng bus at konduktor nito pero agad na tumakas nang makitang papa­ra­ting na sa pinangyarihan ng insidente ang mga kaanak ng biktima.

Gayunman, nagawang makuha ng mga saksi ang plaka ng Malanday bus na TVZ 364 na siya ngayong tinutunton ng mga awto­ridad para papana­gutin sa nangyaring aksidente.

Show comments