2,000 Navoteno, tumakbo para sa kalikasan
Manila, Philippines - Ginanap kahapon kasabay ng selebrasyon ng ika-5 taon pagkakatatag ng Navotas bilang lungsod ang ‘Takbo ni Juan Para sa Kalikasan’. Isa itong fun run activity na naglalayong maisulong ang kaalaman at kamulatan ng bawat mamamayan ng lungsod sa kahalagahan ng kanilang kalikasan.
Pagmamalaki ni Mayor Tiangco, “Ang Navotas ang may pinakamahabang coastal area sa Metro Manila kung kaya naman ay maigting naming ipinatutupad ang tuluy-tuloy na paglilinis ng anyong-tubig na nakapaligid sa lungsod sa pamamagitan ng Navotas Ko Love Ko Lingap sa Kapaligiran Program.”
Mahigit 2,000 katao ang tumakbo bilang suporta sa nasabing programa. Nakalikom ng 30 sakong plastic bottles at 30 broom sticks mula sa mga sumuporta sa programa. Binigyang pagkilala ang Trans Pacific Journey Inc. sa pagkakaroon ng “Most Number of Participants” sa business sector at San Roque National High School na may pinakamaraming lumahok sa education sector ng lungsod. Gayundin, kinilala si Marcelo Pena, 80 years old, bilang pinakamatandang runner, na tumakbo sa 7k race at si Clyde Raven Gonzales, 5 years old, bilang pinakabatang runner, na tumakbo sa 3k race.
- Latest
- Trending